Pagkadating nila sa loob ng bodega ay kaagad silang nangapa sa dilim. Kabaligtaran nang malawak at maliwanag na stockroom na pinagdalhan sa kaniya noon ni A sa Mexico, makipot at madilim ang bodegang iyon. Pero sigurado si Aarah na malinis iyon at maayos dahil silang dalawa ni Erin ang malimit na maglinis niyon. "Bubuksan ba natin ang ilaw?" tanong ni Aarah kay A. Naaaninag lang nila ang mukha ng isa't isa dahil sa flashlight ng cellphone nito. "Kabisado ko itong bodega kaya kahit nakapikit pa ay alam ko kung nasaan ang pindutan ng ilaw." "Huwag na. Okay na itong flashlight ng cellphone ko. Baka kasi makaagaw pa tayo ng atensiyon kapag may nakitang may ilaw dito." Nagkibit ng balikat si Aarah. "Ikaw ang bahala. Sabi mo, eh." Binitiwan ni A ang cellphone at inilapag sa ibabaw ng isang s