Hinila na ni Ander si Scarlett habang nagpupumilit pa rin itong lumapit kay Erin. "Bitawan mo ‘ko! Sino ka ba?!" sigaw ni Scarlett pero pilit pa rin siyang hinihila ni Ander paalis. "Babalikan ko si Kuya Erin! Bitawan mo nga ako!" nagpupumiglas pa rin siya pero hindi pa rin siya pinakawalan ni Ander. Nakaramdam naman sila na parang may sumusunod sa kanila kaya agad na tinakpan ni Ander ang bibig niya. "Kung ayaw mong mahuli nila, manahimik ka." bulong ni Ander. Natahimik naman si Scarlett dahil wala rin namang magagawa ang pagpupumilit niya dahil nakalayo na sila. Nang wala na silang naririnig na ibang tao, ay hinila na ni Ander si Scarlett palabas ng gusali. Napansin na nila si Jaguar na naghihintay sa kanila. "Scarlett." Natigilan si Jaguar ng salubungin n'ya si Scarlett na walang