"Scarlett..." Napakurap naman ang mga mata ni Scarlett at ngumiti bago siya tuluyang lumapit sa ina ni Dominic na napalunok pa siya at hinawakan niya ang kamay ni Ashley. "H-hindi ko na kasi alam gagawin ko dahil ilang araw na siyang gan'yan. Nagagalit na rin sa kan'ya ang daddy niya dahil napapabayaan na niya ang negosyo niya." humigpit ang hawak ni Ashley sa kamay ni Scarlett habang humahagulgol siya ng iyak. "Hindi ko naman siya mapigilan dahil mas lalo lang siyang nagagalit. Pinapunta ko na si Sophia pero miski si Sophia pinapalayas niya." Pinunasan ni Ashley ang mga luha niya at tumingin siya kay Scarlett. "Kaya naisipan kong tawagan ka dahil baka sakaling tumigil na ang anak ko. P-pasensya ka na kung nakaistorbo man ako sayo." Napasilip naman si Scarlett sa loob ng bahay at maram