James Kinabukasan pagdating namin sa bahay inayos ko na agad ng mga gamit niya. Simula kasi ng umalis kami sa hospital hindi parin niya ako nagagawang kausapin. Ayoko rin na maunang magsalita baka may masabi pa siya na hindi ko magugustohan. Nasasaktan rin naman ako kaso hindi ko magawang ipakita sa kanya dahil wala naman akong karapatan. Iniwan ko na mo na siya sa taas para ma ka pagpahinga siya ng maayos. Pagdating ko sa baba si na lubong agad ako ni Manang. "Sir. James, tumawag pala ang Tito mo kani na ng umaga." "Anong sabi niya po?" "Hindi ka daw niya ma contact?" "Ano naman ang sinabi mo sa kanya Manang?" "Na dinala mo si Amanda sa hospital, nagtarong rin siya kong ano ang dahilan kong bakit na pasugod kayo sa hopital. Ang sabi ko sa kanya Sir. Biglang na