Amanda Tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin at hindi ako ma ka paniwala sa ikalawang pagkakataon nadala na naman ako sa bugso ng damdamin ko. Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa sarili ko na hindi na muli ako magpapaloko pero ano tong ginawa ko inalay ko na naman ang katawan ko sa kanya. Naiinis talaga ako sa sarili ko dahil sa kapusokan ng puso ko, kailangan ko na talagang umalis sa bahay nato. Ayoko ng magpaloko muli sa kanya nasasaktan lang ako sa tuwing na kikita ko ang mukha niya. Hindi niya pweding diktahan ako sa anong mang gusto kong gawin sa buhay ko. Hindi ako katulad ng mga ibang tao na susunod agad sa mga gusto niya. Hindi ako ganon pinalaki ng mga magulang ko. Kahit kailangan hindi nila nagawa pagutosan ako kaya wala siyang karapatan na ikulong ako dito at pa