Amanda Naka sandal lang ako sa kanya habang ang kanan kamay nito ay naka akbay sakin. Hindi ko talaga lubos akalain na maliit talaga ang mundo ginagawalan ko. Nanaliti lang kami sa ganon posisyon habang nakatitig lang kami sa isat isa. Hindi ko alam kong bakit ako nagkakaganito ngayon. Baka siguro umakyat na ang alak sa ulo. "So bakit ka pala na padpad dito?" pagtatanong nito habang nakatingin lang sakin. "Para takasan ang mapait na mundong ginagalawan ko sa Maynila. Para narin ma kalimot at magsimula ulit." "Ganon ba, parang ang lalim ng hinanakit mo sa mundo. Ano bang nagawa nito sayo?" "Mahabang istorya. Kong iisipin ko parang makakabuo na ako ng kwento dahil sa mga pinagdaan ko. Pero okay lang nasanay narin ako." wika ko pa. Nagkatinginan lang kami dalawa. Siya