Amanda Maaga akong na gising at hinayaan ko mo nang natulog si James sa taas. Masyado pang maaga pa gising ko siya. Pagdating ko sa kusina nan doon na agad si Manang naghahanda ng almusal. Mas maaga pa siyang nagising sakin. "Hi Manang, magandang umaga po sa inyo." "Magandang umaga rin, parang maganda ang gising mo ngayon." "Ang saya ko lang kasi Manang dahil habang tumatagal pa bait ng pa bait si James." "Amanda, matagal ng mabait si James. Siguro hindi niya lang ito naipapakita sayo noon dahil busy siya. Pero diba nga ang sabi ko sayo na buksan mo lang ang puso mo para sa kanya." "Ginagawa ko naman po, kinikilig nga ako sa kanya minsan." "Pagmamahal na yang nararamdaman mo hindi na yan kilig. Dahil ang kilig na raramdaman lang paghalimbawa bumati ang crush mo