Amanda "Amanda bilisan mo na dyan at aalis na tayo." wika ni James habang hinihintay niya ako sa labas ng kwarto namin. "Mauna ka na sa baba, may tinatapus lang ako dito." "Ayako, hihintayin kita dito." "Sige ikaw bahala, maghintay ka kong gusto mo. Basta tatapusin ko lang tong ginagawa ko." "Ano ba kasing ginagawa mo at ang bagal bagal mo." Hindi na ako nagsalita pa. Tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin. Sa ganda ko ngayon tiyak na hindi na siya lilingon pa sa mga ibang babae. Subokan niyang timingin sa iba papatayin ko talaga siya. Kahit papaano sinusubokan ko na siyang pakisamahan dahil alam ko na balang araw mapapatawad ko rin siya dahil sa mga kabaitan na pinapakita niya ngayon sakin. Kong noon mo pa sana ginawa to James sa tingin ko hindi ganito ang b