“The LORD is my shepherd, I lack nothing. He makes me lie down in green pastures, he leads me beside quiet waters,” -- Psalms 23:1-2 ** Chapter 41 Bianca It was a gloomy morning. Maagang nagtrabaho si Alex. Right after he was done with his breakfast, nagpaalam na itong aalis. Iyong lugar ng bahay na pupuntahan niya ngayon, ay malapit sa home address ni Vanessa. “Dito ka ba magtatanghalian?” tiningnan ko ang likod niya na parang iyon ang kausap ko. He stopped and looked back over his shoulder. He sighed, “Sa hapunan na lang.” then walked away. Sinundan ko siya ng tingin habang hawak ang basahan na ipangpupunas ko sa mesa. He then closed the door. Isang beses akong bumuntong hininga. Ginugol ko ang oras sa pag aalaga sa anak namin. Sa gawaing bahay—naglinis ako, nag redecorate, na