TRIGGER WARNING! This chapter contains scene depicting self-harm. This content might be disturbing and traumatizing. Reader discretion is highly advised. -- “For the LORD takes delight in his people; he crowns the humble with victory. Let his faithful people rejoice in this honor and sing for joy on their beds.”—Psalms 149:4-5 -- Epilogue Part I of II Yale Mukhang masarap iyong lechong manok na nakahain sa mesa. Katabi ang nakabukang bangus na may kamatis sa gitna ng hinating katawan. Nakalimutan ko ang tawag doon kahit nagtanong ako kay Manang Soledad. Si Manang ang punong abala palagi sa pagluluto ng pagkain namin dito sa bahay. Hindi nagluluto ang mama ko. Palagi niyang inuutusan si Manang Soledad sa kung ano ang lulutuin at bibilhin tapos ay aalis na ito. Nakapagluto na noon si