“Search me, God, and know my heart; test me and know my anxious thoughts. See if there is any offensive way in me, and lead me in the way everlasting.” – Psalms 139:23-24 ** Chapter 49 Deanne Hindi pa ako umiyak nang ganito sa buong buhay ko. Umalis ang natitirang customer ng café. Maagang nagsara si Alex. Bini-breastfeed ni Bianca ang kanilang anak na si Eloise sa opisina. Si Jena ay tinatapos siguro ang trabaho sa kusina at kasama niya roon si Tyro. It was me, Dylan and Alex who left outside. Umupo ako ulit. Nanatili silang nakatayo at nakikiramdam sa akin. Pareho siguro silang nag aalala sa akin. Tinanong ako ni Dylan kung kailangan kong pumunta sa ospital para magpa-checkup. Umiling ako. Ni ayokong humakbang sa sobrang paghihina ko. Na para bang naubos ang lakas ko nang isa