J-26 ILANG oras matapos siyang makapag-empaki ay tinawag na siya ni Cole. Kinuha nito ang kanyang mga maleta at isinakay sa kotse nito. "Señorita Jenny, mag-iingat ka lagi ha," ani Manang Lupe. Muli ay mangiyak-ngiyak siyang yumakap dito at malungkot na tinapunan ng tingin ang iba pang mga kasambahay. Ang kanyang Tita Jean naman ay masayang nakatingin sa kanya. Lumapit siya dito. "Nanalo ka ngayon Tita, pero sisiguraduhin ko sa iyo. Babawiin ko sa iyo ang hacienda." "Oh dear. I'm scared. As if you can easily get this hacienda from the true heir. And that's me!" Umigting ang kanyang panga. Sasagot pa sana siya pero hinila na siya ni Cole at pinapasok sa kotse. Sumunod din naman ito sa loob. "Jen..." Bumaling siya kay Cole. "Be strong, okay?" Tumango siya. "Don't worry about your