J-39 NAUWI ang pagdalaw ng mag-asawa sa isang masayang kuwentuhan at asaran. Hindi naman maikakailang masiyadong malambing ang dalawa at minsa'y sumasagi sa isip niya na sana ganoon din sila ni Cole ngunit ang kaso ay hindi sila ganoon. "Kapag gusto mong bumisita sa bahay namin, magsabi ka lang kay Cole," wika ni Julie. "Sige po," masiglang sagot din naman niya. "I'll see you at the hospital later buddy," Clayd said. "Yeah." "Bye Jenny," ani Julie at yumakap sa kanya. "Ingat po kayo." "No, Jenny, ingat ka kay Cole," natatawa pang asar ni Clayd. "Shut up!" inis pang reaskyon ni Cole. Napangiti lamang siya dahil sa kulit ni Clayd. Sumakay na ang mga ito sa kotse at kumaway muna bago tuluyang umalis. "Ang perfect nilang dalawa," 'di maiwasang kumento niya. "You really believe that