J-28 NANG makapagbihis na siya't lahat-lahat ay agad din naman siyang lumabas ng banyo. Nakita niyang nasa kama na si Cole habang kaharap nito ang laptop. Lumapit siya sa kama at sa kabilang dulo umupo. "Ahm, hindi ka pa matutulog?" tanong niya. Saglit namang sumulyap si Cole sa kanya. "I'm still making my reports Jen. Mauna ka na matulog. Kung hindi ka kumportable, I'll just place a pillow here in the middle." Hindi siya kumibo at tumango na lamang. Hinubad niya ang kanyang robe at ang tanging suot niya na lamang ay ang kanyang lingerie. Hindi ito sexy at simpleng pantulog lang pero nakuha niya ang atensyon ni Cole dahil hindi niya na narinig ang pagtipa nang mga kamay nito sa laptop. Kahit hindi siya nakatingin kay Cole, alam niyang nakamasid ito sa kanya. Nang tingnan niya ito'y