J-46 KINABUKASAN ay maaga siyang nagising. Wala si Cole sa tabi niya pero nasa gilid ng kama ang isang tray ng pagkain. Agad siyang napangiti. May kasamang note ang food tray. Kinuha niya ang maliit na papel at binasa ito. "Good morning my love," basa niya sa sulat. Impit siyang napatili dahil sa nabasa. She was not really mistaken of forgiving and forgetting what happened to them. Talagang mahal na mahal niya si Cole at kayang niyang ibaba ang pride niya para dito. Hinila niya ang kanyang kumot upang balutin ang sarili. Pababa na siya ng hagdan nang biglang humilab ang kanyang tiyan. Agad siyang tumakbo sa banyo. Pakiramdam niya'y bumabaliktad ang sikmura niya. She's having nausea. Mariin siyang napapikit at pinigilan ang sarili na huwag masuka pero traydor ang sarili niyang katawan.