J-35 NAKAUWI na sila ng bahay ngunit patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hindi nga siya magawang patahanin ni Mang Elias. Nang makababa siya ng sasakyan ay agad niyang tinungo ang chapel na nasa sulok ng bahay. Doon nang makaharap niya ang abo ng kanyang grandparents ay mas lalo pang bumuhos ang kanyang mga luha. Lagi na lamang siyang nasasaktan at ayaw niya na nang ganito. Naghihirap na ang kalooban niya. Gusto niya lang naman maging maayos. Mamuhay ng simple, iyong kagaya ng dati pero bakit parang naging meserable ang buhay niya ngayon. Tama! Meserable siya sa pagmamahal niya para kay Cole at sa lahat nang balakid sa relasyong mayroon sila ngayon. Ito ang unang beses na pinagalitan siya ng todo ni Cole at sobrang sakit no'n para sa kanya. Pinahiran niya ang kanyang mga luha kahit sige