HINDI agad naipagpatuloy ng aking ama ang kaniyang sasabihin dahil sa tingin niya ay parang hindi matanggap ng Mama ni Samuel ang pagkawala nito. "Mas mabuti siguro kung si Chang na ang magkuwento sa inyo, nauna na sila sa hospital." Walang kibo na sumakay ang Ama ni Samuel, habang yakap-yakap niya ang asawa na walang tigil sa pag-iyak. Hanggang sa nakarating sila sa ospital at sa morgue na sila dumiretso. Nakita ko agad ang kanilang pagdating at takbo-lakad ang ginawa ng Mama ni Samuel. "Chang, nasaan ang anak ko?" halikayo sa loob." At nauna siya upang ituro ang bangkay ni Samuel. "Iyang nasa kabila ay si Marilez," dagdag kong pahayag. Dahan-dahang binuksan ang ina ni Samuel ang puting tela na nakatakip sa mukha niya. "Samuel…" biglang napasigaw ang ina niya, at agad niyakap ang

