NAKARATING kami sa Cagayan de Oro, at tulad ng pagdating namin ng Cebu ay may sumusundo rin sa amin. Isa itong Australian na lalaki at may kasama itong isang babaeng Pinay sa tanto ko ay asawa niya ito. "Hi, dude!" bati niya kay Keach at Engineer Mike. Sa tingin ko ay magkakilala silang tatlo dahil nakangiti ito na nakipag biso-biso kay Mike. "Hello… Welcome to CDO!" pahayag ng Pinay. "Thank you!" halos sabay naming tugon ni bhest. At nakipag-shake-hands siya sa aming dalawa. "Kumusta ang biyahe ninyo?" tanong niya sa amin. "Maayos naman." "Anak mo? Ang cute!" tanong niya kay bhest, dahil ito ang kumarga kay KC. "Hindi, sa kaniya." Sabay turo niya sa akin. "Ay! Sorry." "Okay lang," tugon ko at nakangiti ako sa kaniya. “Dude, this is my wife. Chang is her name. And she's

