BEST CHAPTER.. Gaby pov... Umaga na naman, maghihilamos na naman ako at magsisipilyo at titingin na naman ako sa salamin. Hyymm.... " lumabas sa bibig ko habang nakatitig ako sa sarili ko. Ilang araw naba simula ng mangyare ang pagsugot at pagwawala ni Jam? "Isa, dalawa tatlo o anim na araw nao mahigit na pala.. Pero hanggang ngayon hindi pa ito nagpapakita." matamlay kong sagot sa ariling katanungan habang nakatingin pa rin sa salamin. At napa ismid na lamang ako. Naisipan kona lang na lumabas ng banyo at magtungo sa sala, nakita ko doon si tiya na gumagawa ng kakanin. Mahilig ito gumawa ng ganoon ngunit dahil mahina narin ang tenga kaya tumigil ito sa pagtitinda. Mabilis kong inakbayan ito at kinausap, bahagya kong itinutok sa tenga nito ang gusto kong sabihin. "Tiya saan kayo n