Chapter 30.. Jam.. Siguro habang binabasa mo ito malayo na ako. Sorry hindi ko sinasadyang masaktan kita, tandaan mo wala akong pinagsisisihan sa ano mang nangyare sa atin, lahat yun ay ginusto ko. Sobrang lungkot ko habang isinusulat ko ito, parang sinasaksak ng ilang beses ang puso ko ng kutsilyo pero ito lang ang paraan. Naitatanong ko sa sarili ko bakit tayo pa! Sobrang mahal na mahal kita pero hindi ko pwedeng ipagpatuloy dahil magka dugo tayo. Magkapatid tayu Jam!! Kapatid kita! Ayokong tanggapin pero kaylangan. Anak ako ni Rita na dating katulong nyo, at nagkaroon sila ng relasyon ni don Julio at ako ang bunga. Jam sobrang sakit wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak bago lisanin ang bahay na yan, kinalimutan ko yung mga sandaling magkapatid tayo, pero binubulong ng isip ko ay