Chapter 4..
NAPALINGON si Gaby sa isang boses, hindi man siya sigurado nilinga parin niya ito. Isang lalaki ang nakatingin sa kaniya. Sa kaniya ba o may tinitingnan lang ito? Hindi na lamang niya pinansin ito at nagpatuloy siya ng paghakbang.
"Miss!" muling dinig niya sa boses. Imbes na magpatuloy siya sa paghakbang huminto siya at nilinga ang lalakeng ngayun ay may hawak ng isang bagay at alam niyang kung kanino iyon. "Yung towel mo' naiwanan mo kase. " sabay abot ko ng towel sa babaeng mugto ang dalawang mata. Hindi maitatanggi sa mukha nito tila may pinagdadaanan ito. Gusto ko mang tanungin kung okay ito, baka isipin nito kalalaki ko'ng tao tsismoso ako.
Bakit nandito ang towel ko sa lalaking ito?
"Remember me? Ako yung muntik ng makabangga sayo noong gani, sorry nagmamadali kase ako." wikang niyang sabi sa dalaga. Nakatitig parin ito sa kaniya. "Baka gusto mo'ng magkape, libre ko." Alok ko, hindi ko alam bakit inalok ko ang babaeng kaharap ko? Siguro bilang paanyaya dahil muntik ko ng mabangga.
"Pasensya na, hindi kase kita natandaan, madilim kase noon kaya kaagad ako tumawid. Salamat sa paanyaya' nagmamadali kase ako." sagot niya sabay abot sa towel na inaabot nito sa kaniya matapos tinalikuran ko ang lalaking may itsura. Gusto ko man kiligin mahirap na lalo patay ang akin ina.
"Wait" pigil niya sa dalaga.
Napalingon ako, tinatawag na naman yata ako ng lalaking guwapo.
"Bakit?" tanong ko habang nakatingin at naghihinaty ng sagot sa lalakeng kaharap.
"Baka pauwe kana? Kung gusto mo, puwede kang sumabay sa akin?" alok ko ulit, hindi ko maintindihan bakit inalok ko ang babaeng ito? Hindi ako yung tipong lalaki na kaagad mang aalok sa mga babaeng hindi ko kakilala pero ewan ba. Bakit sa estrangherang ito napa alok ako. O baka kase may kasalanan ako sa babaeng ito?
"No, okay lang' nakakahiya." tanggi ko' ayoko kayang magpahatid sa lalakeng hindi ko naman kilala, kahit pa guwapi ito mamaya rapist pa 'to. Lalo na't ngayun ko lang ito naka usap.
"Anong mga dala mo? Para sa anak mo?" hindi maiwasang tanong ko. Pero mukha namang dalaga. Alam kona kase sa isang babae yung may anak at wala pang anak, sa dami ko ng naka s*x, alam kona ang mga sa itsura.
Napababa ako ng lingon sa iilang hawak ko na plastik. Mabuti na lang at hindi pa ako bumilibili ng mga buscuit. Maya at napa buntong hininga na lang ako. Kaasar naman itong lalaki na ito, may problema na nga ako' napagkamalan pa akong may anak! Bakit mukha naba akong may asawa at may anak? Losyang naba ako?
Ayos din ng mukha pag may time Gab!
"Okay ka lang talaga? Ang lalim kase ng buntung hininga mo. By the way I'm Jam." sabay lahad niya ng kamay sa dalaga. Naasar na ako sa sarili ko, bakit ba kinukulit ko itong babae na 'to?
Hindi ko naapigilan, mabilis na tumulo ang luha ko ng marimig ko ang pangungulit na tanong nito, habang inaabot nito ang asariling palad, "Gaby ang pangalan ko." pumipiyok niyang wika sa binata.
Binitawan ko ang palad nito ng makaramdam ako ng awa sa dalaga, "Sorry kung makulit ako. Akina na nga yung mga dala mo! Mas okay sigurong ihatid na kita, mukhang may malaki kang problema." sabay kuha ko ng mga dala nito, at naiwan naman ang iba sa kamay nito. Hindi ko alam bakit ginagawa ko to? O naaawa lang talaga ako sa magandang babae na kaharap ko.
Walang nagawa, at ramdam din niyang pagod na siya sa kakalakad kaya hinayaan niya ang binatang ihatid siya sa kaniyang bahay.
"Sabihin mo lang Gab kung saan ka bababa?" dinig niyang wika nito ng lingunin pa siya habang lulan na sila ng kotse nito, "Bakit bigla kang napaluha?" hindi ko napigilang tanungin uli ito. Umiiyak eh,alay ko ba kung ano iniiyak nito.
"Diretsyo mo lang po, malapit lang ang bahay namin dito sa bayan." sagot ko sa tanong nito. Hindi na niya kailangan sabihin kung ano ang iniiyak niya. Tiyak naman na pagdating nila sa bahay nila, makikita nito ang dahilan.
Ilan minuto narating nila ang bahay nila Gab. "Nakikita mo ba ang malaking tolda na nakakabit doon? Yun ang bahay namin." turo ko kay Jam.
Napakunot noo siya, "May patay sa inyo?" tanong ko'ng sinisigurado kung tama ba ang nakikita ko. At itsurang sa eskwater ito nakatira.
Hindi niya pinansin ang tanon ni Jam, hinarap niya ito at inalok, "Gusto mo bang pumasok?" alok ko kay Jam ng nasa harapan na kami ng bahay. Tinulungan din ako nitong mag baba ng ilang supot na dala ko.
"Ah, e.." yan angnaisagot ko sa alok ni Gab. First time ko kayang pumunta sa ganitong lugar.
"Sorry ha, baka hindi ka sanay sa ganitong lugar, salamat din sa paghatid." turan ko. Nabasa ko kaagad ang nasa isip nito. At alam ko'ng itsurang hindi ito sanay sa ganitong lugar at halatado namang may kaya ito sa buhay. "Okay lang kung ayaw mo." dagdag ko pa.
"No! It's okay Gab. Sanay akobsa ganitong lugar." mabilis na wika ko. Kabastusan naman siguro kung tatalikuran ko pa ito ganoong itsurang mabait naman ito.
Nakaka ilang hakbang pa lamang kami ng bumungad sa amin ni Gab ang isang kabaong. Mabilis akong napalingon ng agarang hinakbang ng dalaga ang isang pulgada na layo namin saka pumipiyok na umupo sa upuan, "Iniwan na 'ko ni inay Jam. Hindi man lang s'ya nag paalam sa 'kin. Siya na lang ang kasama ko sa buhay pero iniwan na niya ako." matapos niyang marinig iyon, humahagulgol na ito.
Lalo akong nakaramdam ng awa sa dalaga kaya nilapitan ko 'to kung saan ito naka upo. Tumabi ako sa kaniya habang hinahagod ko ang likod nito ng maibsan ang kalungkutan nito. "Condolence Gab. Tahan na." ulas sa labi niya.
Humarap siya kay matapos punaana ang luhang bumalatay sa mukha niya, "Noong nakita mo akong tumatakbo, naghahanap ako ng pera non para maisalba ko ang buhay nya, pero na late ako." pumioiyok ko'ng kuwento.
"May mga kapatid kaba?" hindi maiwasang tanunginnl niya.
"Wala. Nag isang anak lang ako." mahina ko'ng tugon kay Jam.
"Asaan ang tatay mo." tanong ko ulit niya sa dalaga.
Matagal ako bago nakasagot, hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ano. Pero kabastusan naman kung titingnan ko lang ito,kaya suamgot ako, "Hindi ko alam, dahil simula noong ipanganak ako ng aking ina hindi na siya nagpakita."
Nakita niyang tumango ang binata, itsurang nagsisisi pa yata sa naitanong. Dahilan nailihis nito ang mukha sa kaniya.
Minuto ang lumipas. Natapos siyang nagkape. Kaya mabilis din akong nagpaalam, hindi maitatangging ang daming babaeng nakatingin sa akin noong ako'y lumabas sa bahay ni Gab tila ba iniisyoso kung sino ba ako.
"Eewwwww... " nakangiwi ko'ng sabi.
Ewan koba ayoko sa ganitong mga lugar. Pero isang iglap napasama ako sa dalaga. Bakit alam ko bang dito siya nakatira? Pero bago ako tuluyang umalis binigay ko ang numero ko dito. Tila kase naantig ang puso ko lalo na at nalaman ko'ng ang iisa na lang ito.
Hindi rin niya napigilan na abutan ito ng maliit na pera, sa una ayaw nitong tanggapin at napilit din niya ito sa huli.
Nang marating ko ang bahay namin, kaagad ako sinalubong ni Manang. Si aling maring. Noong ipinanganak ako ni Mommy ito na ang nag alaga sa akin, apat kaming magkakapatid at ako ang bunso' sa Pamilia Mansion de Ramirez. At hindi maitatangging kilala ang pangalan namin. Hindi lang sa mayaman kami, dahil kilala din ang ama ko na pinakamagaling na negosyante, hehe at kilala din ang ama kong babaero ' siguro doon nga ako nag mana.
"Iho." napalingon ako nong makita ko'ng papalapit sa akin si Manang galing ito sa kusina. Yan ang nakasanayan ko'ng itawag sa kaniya o kaya sa totoo niyang pangalan.
"Bakit po aling Maring." sagot ko.
"Iho halika na, at kumain na' hapon na' saan kana naman ba galing? Wag mong sabihing..?" sunod- sunod na tanong sa kaniya ng matanda.
Napangiti na lamang ako, kahit yaya ko lang ito si para sakin pangalawang magulang kona ito, at hindi ako nagsisisi na mag open dito kung ano mga sikreto ko.
Napangisi siya sa tinuran ng matanda kahit hindi nito naituloy ang gustong tanungin, inakbayan niya ito ng makalapit siya, "Salamat po, kahit malaki na ako naandiyan parin po kayo." sabay tanggal niya sa pagkaka akbay at kinuha ko ang kamay nito at nag mano ako. "Wala po akong ganang kumain, tatawagin na lang kita pag gutom na ako." wika niyang anas aka nagpaalam.