Chapter 9.. Pupungat pungat sa higaan ng magising si Gaby ng umaga. Dahan- dahang niyang kinukuskos ang magkabilang mata ng isang kamay. Ginising lamang siya ni Aling maring dahilan mag aalasais na ng umaga. Pakiramdam niya wala siyang tulog dahilan sa nangyare noong gabi. Tila ba inuulit na binibigkas sa kaniyang tenga ang nalamang sinabi ni Aling maring sa kaniya. "Hindi pa oras para malaman nila kung sino ako. Kahit may natutuklasan na ako, ngunit kailangan ko parin na itago iyon hanggat hindi pa nakukumpleto ang katotohanan na dapat malaman ko." saka umiling ang ulo. Bigla, napapitlag siya ng muling kalabitin siya ng matanda, "Iha ang aga mo na namang tulala, kagabi kapa. Naaalala mo na naman ba ang iyong ina?" tanong sa kaniya. May nakabakas sa mukha nito ng pag alala sa kaniya.