Chapter 15.. "Hhhiinddiii... Kita sinampal maam Andy." Nauutal niyang sabi dahil tumatakbo ng papalapit si Jam sa kanilang dalawa. "Hindi ka lang feeling boss dito, isa ka pang sinungaling! " muling hiyaw nito para mapansin ito ni Jam. "Anong nangyayare dito? " tanong ni Jam na palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Honey, sinampal ako ng babaeng iyan! At sinisigawan ako, nagtanong lang ako kung bakit ngayon lang sya, tapos sya pa ang galit. Hon paano kung makunan ako?! Ipakukulong ko ang babae na iyan!" dire-diretsyang wika na pagsisinungaling ni Andy. "Ma'am Andy, hindi po kita sinampal, ikaw po ang sumampal sa akin. Oo inaamin ko nasigawan kita pero dahilan na hinawakan mo ako sa baraso na halos bumaon na sa baraso ko ang kuko mo." pahayag niya. Pero hindi niya alam kung