“NASA ibaba lang ako kung kailangan mo ng kausap…” Marahang ipininid ni Theo ang pinto ng kwarto niya. Itinalukbong niya ang kumot sa mukha at hinayaan muling umagos ang mga luha. Ipinapangako niya sa sarili na ito na ang magiging huling iyak niya para sa asawang si Baro. Hindi na siya kailan man magpapaapekto pa sa emosyon, kailangan niyang maging matigas, kailangan niyang maging matapang. Hindi na siya babalik sa dating mahina at bulag-bulagan na Mamsy Florie. “Hindi na ko papayag na masaktan niyo pa ako…” napupuno ng luha sa sabi niya sa sarili. Naalala niya ang unang balita na bumungad sa kanya pagbalik niya ng Pilipinas tatlong araw pa lang ang nakararaan, nakaupo siya noon sa waiting area ng NAIA at naghihintay sa pagdating ni Theo nang may maupo sa tabi niyang isang teenager na a