Sa totoo mahal na mahal rin niya ang lalaki at para sa kaniya ay sapat na ang mahigit isang taon na naghintay si Oliver sa kanya. Upang mapatunayan na mahal rin siya ng lalaki. "Jig, kung sasagutin mo lang ako patutunayan ko sayo kung gaano kita kamahal gagawin ko ang lahat kahit ano ang ipapagawa mo sa akin. "Oli, hindi ka naman siguro manhid para hindi mo maramdaman na mahal rin kita. Noon hindi ko iniisip na mahal mo pala ako na pareho ang naramdaman natin. Kaya mas pinili kong isantabi ang naramdaman ko sa iyo sapagkat natatakot ako na baka masaktan lang ako. Dahil pakiramdam ko noon hanggang kaibigan lang ang ipinakita mo sa akin. But noong time na pinuntahan mo ako sa airport at sinabi mo na maghintay ka. Sobrang saya ang naramdaman ko ikaw ang isang nagbibigay insperasyon ko noon

