"Wala akong masasabi anak!" tanging tugon ng ama at napailing-iling ito sa husay at galing ng anak. Niyakap siya ng higpit at hindi pa nakuntento ang ama at binuhat pa siya. "Galing mo, ma'am Jig!Congrats!" sabi ng kanilang mga tauhan. "Salamat!" nakangiting sagot niya. "Oliver,congrats!" bati rin ng kaniyang ama at sabay yakap niya sa magiging manugang. "Salamat, Tito." Binati rin niya si Juwi, dahil ito ang pang-apat na nanalo. Hindi nasayang ang kanilang pagsali sa event dahil lahat sila ay panalo. "Congrats sa inyong tatlo!" Bati ni Maica at niyakap ang kaniyang TF, at ganoon rin si Oliver "Jig, galing! Congrats!" "Salamat, Juw. Congrats rin sa iyo at sa ating team." Samanlata ay nagmukhang Biyernes Santo si Welson, habang nakaupo ito sa kaniyang motor. Hindi rin niya magawa

