LUMIPAS ang mga araw at buwan at isang magandang balita ang dumating kay Maica. Dahil mayroon na siyang visa at contrata at agad niya itong binalita sa kaniyang mga gulang at sa kaniyang nobyo. Pareho ang lahat na nagiging masaya at malungot dahil mawalay na sa kanila ang panganay nilang anak. Ganoon rin si Juwi, ito ang mas nakaramdam ng sobrang kalungkotan. Sapagkat nasanay na siya na laging kapiling ang pinakamamahal niya. "Mahal, huwag ka na kayang tumuloy." Malungkot ang mukha ni Juwim. "Mahal ko, sayang naman kung ganoon, kasi may papers na," malumanay niyang sagot. Hindi na kumibo si Juwi, dinaan na lang niya ito sa tulog. Sa gabing iyon ay hindi nakatulog si Maica hanggang magdamag. Lagi niyang pinagmasdan ang mukha ng kaniyang kinakasama at naawa siya rito. Dahil malapit na