"Oo naman labhe, madali akong maka-recover nito dahil nandyan ka na laging nagpapalakas sa akin." "Shaaa... pasok muna tayo at nang makapaghapunan na tayo," anang ina. Hanggang sa nakapasok na sila ng bahay. "Ahhhh... I miss this house!" nakangiting saad ni Oliver. "Welcome home, senyorito!" masiglang bati ng tatlong kasambahay at naka-uniporme ang mga ito. Napangiti naman si Jig nang marinig niya ang pagtawag ng tatlo sa kaniya. "Kumusta naman ang mga nagseksihang dilag?" pagbibiro ni Oliver. "Ito nyorito, mga seksi pa rin." "Siyanga pala ang wife-to-be ko, si ma'am Jig ninyo," pakilala niya. "Hi, nyorita. Welcome home!" nati nilang tatlo. "Hello..." tugon niya. Hanggang sa dumulog na silang lahat sa hapag-kainan. Naparami naman ang kanilang nakain dahil na rin sa mga masas

