"HINDI ko tuloy alam ang sasabihin ko sa iyo, Isabella. Nabanggit noon ni Mommy na pinatakas ka at ngayong nagbalik ka ay siya naman ang wala," malungkot na saad ng panganay na kapatid ni Isabella. "Ikaw pa naman ang taong hindi marunong magalit. Kaya't kung ano man ang desisyon mo ngayon ay susuportahan ka namin," saad naman ng ikalawa. Dahil dito ay napahingang malalim si Isabella. Sa katunayan ay wala siyang maapuhap na salitang aakma sa mga big brothers. Tuloy naunahan siya ng ikatlo. "Kung ako sa iyo ay mas mabuting tuluyan mo ng iwanan ang Madrid. Total nagkaayos na kayong dalawa ng future bayaw namin. Dahil kung ako ang tatanungin mo ay wala akong balak magtagal dito. Now that our mother was gone and father is wanted to the government, finally, let's live our lives accordingly,"

