"MOM, ano po gagawin natin ngayon? Lasi kung magpapatawag tayo ng--- I'm afraid, Mom. Baka kung ano na ang nangyari sa kanila sa Yemen." May pag-aalalang tanong ni Isabella sa biyanang babae. "Alam kong napaka-inappropriate na sabihin ko na huwag kang mag-alala, anak. Ngunit kalmahin mo ang iyong sarili. Let's all trust him," tugon nito. "I do trust him, Mom. Pero kahapon ay biglang nahulog at nabasag ang solo frame ni Pierce Matteo. At ngayon naman po ay tuwi-tuwinang pumapalahaw si baby Alejandro," saad niya. Dahil dito ay umusog ang Ginang sa manugang. Sa lahat ng manugang niya ay ito ang mas matanda sa anak. Ahead ito ng ten years sa menopausal baby niya. Kaso obsessed na obsessed sa asawa. "Anak, walang ibang nakakaunawa sa iyo kundi kami ng Daddy ninyo. Noong sina Stanley, Eric

