BUT life will not go as we always wish! Dahil makalipas ng ilang taong pananahimik ng buhay nilang lahat ay iginupo ng sakit ang mag-asawang Mary Claire at Martin Luther. Kung hindi man sila magkasabay na nadadala sa pagamutan ay sunod-sunod. "Ulitin mo nga ang sinabi mo, Miss Nurse?" Loud and clear naman ang pagkarinig niya ngunit ayaw manuot sa kaniyang isipan ang naging pahayag nito. "Sir, alam kong narinig mo ng maayos ang pagkasabi ko. Dahil hindi naman ako bumubulong. Tama ang sinabi ko. Ginawa n'yo ng tahanan ang pagamutan. Maari bang ipagamit n'yo naman sa ibang nangangailangan? Kung hindi ang Mama mo ay ang iyong ama. Aba'y hindi lang kaya ang pasyente sa lugar natin." Inulit pa talaga ng lintik! Dahil dito ay tuluyang nagdilim ang paningin ni Pierce Matteo na nagkataong du

