"GOOD MORNING, Madam Miller." Magalang na pagbati ni Archy sa Ginang. Ayon sa mga ito amo na ito ng namayapa niyang abuelo. Anaconda nga raw ang code name nito. Samantalang si Joshua ay ganoon din. Kapwa nila bunso dahil bunsong apo ng comrade ng abuelo niya. Si Eagle Eye. "Mas maganda ka pa sa umaga kako sana kaso lalaki ka kaya't mas guwapo ka morning," nakangiti nitong sagot. Kaya naman ay napakamot siya sa ulo. Palabiro ang buong pamilya. Kahit nga ang mga kamag-anak ng mga ito sa Madrid na nakilala ay ganoon din. Kaso hindi talaga siya nasasanay. Madalas pa rin siyang nagugulat kagaya sa umagang iyon. "Hmmm... Ipakuha ko ba kay Mansanas ang suyod ni miming sa taguan? Aba'y kanina ka pa kamot nang kamot sa ulo mo ah." Panggagatong pa nito. Kaya't muli sana siyang kakamot. Subalit

