"WHAT are you doing here, Uncle? Mr Smith?" maang na tanong ni Isabella sa mga nakasalubong sa mismong lobby ng police headquarters.
"Mr Smith? Who are you referring to, Hija?" maang ding balik-tanong ng una.
Abay Miller at Anderson ang last names ng mga kasama niya o sina Pierce Matteo at Archy. Ngunit Smith naman ang binigkas ng pamangkin ng mahal niyang asawa.
"Ako ang tinutukoy niya, Uncle. Pierce Matteo Smith." Nakatawang pagitna ng pamangkin.
Kaya naman ay napatingin siya rito.
'Huwag mo akong ipagkanulo, Uncle.'
'And, why? Miller ka naman sa pagkakaalam ko, anak.'
'Saka na lang ako magpaliwanag, Uncle. Just go on with the flow for now, please.'
"Yes, Uncle. Si Pierce nga po ang ibig kong sabihin."
"Mr Smith, bakit kayo nandito ng kaibigan mo? Mabait naman kayong tao sa pagkakaalam ko."
Pinaglipat-lipat ng dalaga ang paningin sa lalaking humarang sa kaniya tatlong araw na ang nakalipas. Kung sa ibang tao ay maaring galit na galit na siya. Ngunit hindi niya magawa. Pumayag siya sa iniuutos ng ama ngunit mayroon siyang ibang plano. Kaso hindi naman niya inaasahang makikita ang tiyuhin o asawa ng kaniyang Tita Leonara.
'Mabait sa mabait ang pamangkin ko, anak. Ngunit mayroong mali. Bakit Smith ang ginamit kaysa Miller,' ani Aries Dale sa isipan.
Nakipag-usap naman kasi sa kaniya ang pamangkin sa pamamagitan ng mind link. Ngunit kahit ano'ng gawin niya ay hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isipan kung bakit hindi ginamit ang Miller. Ganoon pa man ay nanatili siyang tahimik. Ihinatid ang mga ito sa tinuluyan. Sabi nga niya ay sa mansion na lang nila o 'di naman ay sa mga Cameron. Kaso may gagawin daw ito na hindi magagawa kapag nasa kanila.
MAKALIPAS ng ilang sandali.
"Ngayong tayo na lang ang nandito ay mayroon akong nais itanong sa iyo, Miss Isabella." Baling ni Pierce Matteo sa dalaga.
Nasa bed space sila sa kasalukuyan. He can afford even the highest paid hotel. Ngunit dahil may nais siyang gawin ay sa mga bed space sila nagtungo ng personal bodyguard. Pasimple nga siyang kinurot ng tiyuhin dahil daw umano sa kaniyang kalokohan.
"Sure, Matteo. Ano ba iyon?" tanong nito
"Bakit ka napasugod sa presinto kanina? May nakapagsabi bang mayroong umaresto sa akin ni Archy?"
Kaso umiling-iling ito. Kaya naman ay napatingin siya ng husto rito.
"Kung wala sa mga binanggit ko, paano mo nalamang naaresto kami?" tanong niyang muli.
GUSTO niyang magsinungaling. Ngunit bukod sa isa siyang guro at isa sa itinuturo niya ang huwag gumawa ng masama ay ayaw niyang may mapahamak ng dahil sa kasinungalingan ng ama. Wala nga siyang maunawaan kung bakit galit ito sa binatang kaharap. Ganoon pa man ay mas pinili niya ang nasa gitna.
"Ang sabi ni Papa ay kailangan kong magtungo sa presinto. Nang tinanong ko kung sa anong dahilan ay malalaman ko raw pagdating ko roon. Unexpectedly, nandoon kayo ni Uncle Aries," paliwanag niya.
Samantalang sa narinig ay pansamantalang natahimik ang binata. Maaring siya ang pinakabata sa business world. Ngunit marami pa siyang tatalunin pagdating sa strategic and planning. Hindi rin siya ignorante sa batas at higit sa lahat ay hindi siya sira-ulo na basta-basta naloloko.
"Kung ganoon ay kalimutan mo na iyon, Isabella. By the way, maaring magtanong ng personal?" tanong niyang muli.
"Oo naman, Matteo. Basta alam ko ay aking sasagutin," tugon nito saka humarap sa kaniya. Kaya't kitang-kita niya ang ngiting nakabalot sa buo nitong mukha. Idagdag pa ang magkabilang dimples.
Kaya naman!
"May boyfriend ka na ba? Dahil kung wala ay manliligaw sana ako. Pero kung mayroon ay sabihin mo lang upang huwag na akong sumabay."
Boom!
Ang banat ng dungeon king!
SA LABAS ng bed space na kinaroroonan ni PM ay naipon ang ilan sa mga alipores niyang nasa Madrid. Ngunit dahil na rin sa bilin niya ay sila-sila lamang ang nakakaalam.
"Brod, ano ba ang mangyari? Aba'y lagot tayo kay Madam Miller oras na makarating sa kanila ni Sir ang nangyari," nababahalang saad ng isa kay Archy.
"Nandoon nga kami sa daan kung saan sana namin hihintayin ang rosas ng boss natin. Ngunit basta na lamang kaming inaresto. Mabuti nga at namukhaan kami ng tiyuhin niya kaya't ilang oras lang ang itinagal namin sa loob," pahayag nito.
"Kung ganoon ay talagang nakarating na sa United Kingdom ang nangyari, brod. Ang masaklap ay baka sumugod sila rito," wika pa ng isa.
Kaya naman ay sumabad ang isa pa nilang kaharap.
"Nakalimutan n'yo yatang ang master natin ang pinaka-delikado sa mga anak nina Madam at Sir? Ibig kong sabihin ay pumarito man o hindi ang mga magulang ay kayang-kaya niya itong lusutan," anito.
"Kaso sa nakikita ko ay in love ang boss natin. Wow! Kung hindi lang dahil sa babae at basta siya inaresto ay baka abo na ang presinto. Tandaan ninyong mas powerful ang young master natin kaysa kay Ma'am Victoria Katherine," sabad pa ng isa.
Kaso!
"Kapag mawalan tayo ng trabaho dahil sa kadaldalan ninyo ay kayo ang may kasalanan. Kahit bipolar kung tawagin nina Madam at Sir ang master natin ay matino at mabait naman sa atin. Kaya't manahimik na lang tayo. Hayaan ninyong ma-in love dahil karapatan niya iyan. Bago pa niya tayo gawing ekspiremento sa dungeon ay manahimik na lang tayo." Nakatawang pagitna ng isa.
Kaso dahil dito ay napahalakhak silang anim!
Paanong hindi sila mapapahalakhak? Alam man o hindi ng boss nila na ang babaeng kinababaliwan ay mas matanda rito ng sampung taon!
'I don't f*ckin' care. Just make it sure that I can get closer to her,' sabi pa nga nito sa kanila noong kasagsagan ng imbestigasyon nila ukol dito.
Ganoon pa man ay nanahimik sila. Dahil kahit ano ang mangyari ay ito pa rin ang boss nila.
SAMANTALANG sa narinig mula sa binata ay natahimik si Isabella. Hindi naman kasi sumagi sa kaniyang isipan ang dahilan ng pakikipaglapit nito sa kaniya. At kung tutuusin ay ilang araw pa lamang simula noong nagkakilala sila.
"W-wala, Matteo. Wala rin naman akong oras sa mga ganyang bagay. Dahil nakatutok ako sa aking pagtuturo," sagot na lamang niya.
Ngunit dahil nakatungo siya ay hindi niya napansin na nakatingin ito sa kaniya.
"Hindi kita pinipilit, Isabella. Ngunit hayaan mo sana akong patunayan na sinsero ako sa aking panliligaw," anito.
"Wala namang problema sa panliligaw, Matteo. Ngunit paano mo gagawin iyan samantalang sabi mo kanina ay hindi ka Spanish citizen kundi Briton. Impossible namang papayagan ka ng mga magulang mo na manirahan dito samantalang nasa United Kingdom sila."
Nahihiya man siya ngunit naglakas-loob siyang ipahayag ang damdamin. Iniangat niya ang paningin kaso eksakto namang nahuli niya itong nakatitig sa kaniya.
"M-may dumi ba ako sa mukha, Matteo? B-bakit ka nakatitig sa akin?" Dahil sa hiya at nerbiyos ay nautal-utal siya.
Kaso imbes na sagutin ang tanong niya ay iba ang sinabi.
"Walang impossible sa akin, Isabella. Gusto kong patunayan ang dalisay kong hangarin. Mahal kita, Isabella. Iyan ang totoo. Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako sa Madrid," sabi nitong muli.
"M-matteo---"
"Will you consider my feelings, Isabella?" Pamumutol nito sa kaniya.
Hindi lang iyon!
Lumapit o mas inilapit nito ang sarili sa kaniya.
Sa tangkad nito ay yumuko upang pumantay sa kaniya.
Kaso!
Kung kailan halos magkaamuyan sila ng hininga ay saka naman may nambulabog!
Tuloy!
Nagmistula silang mga kriminal na nahuli sa akto!