"WHEN did you come up, Mi Amore? I do really miss you, but will you give me a hint as well?" Hindi naman siya galit. Ngunit aminado siyang nagulat. At higit sa lahat ay natatakot siyang ipagkanulo siya ng sarili. Aba'y sa paglamas at paghalik na lamang nito sa kaniya ay halatang gustong-gusto ng makapasok sa mahiwaga niyang kuweba. Kahit man siya ay ganoon din. Kaso hindi pa puwede kung tutuusin. Dahil isang buwan pa lamang ang nakalipas simula isinilang niya ang baby nila. Kahit pa sabihing wala na siyang dugo mula sa panganganak. "Alam ko, My love. Dahil kahit ako ay gustong-gusto ko rin. Ngunit hindi ko isasangkalan ang kalusugan mo nang dahil sa sarili kong kaligayahan. Just let me hug you while I am here. Ang mga lintik na iyon ay sadyang mapang-asar." Panunukoy nito sa mga tauhan

