"WHAT?! Hanggang dito ba naman sa bahay ay sinundan mo kaming mag-asawa? Aba'y naghahanap ka na ba talaga ng sakit sa katawan?" Malakas na tanong ni Isabella sa babaeng nadatnan na nga sa MLMC DETECTIVE AGENCY ngunit nasa mansion na naman. Aba'y nanadya ba ito? Hah! Talagang siya ang magiging masungit kapag nagkataon. "Tama naman ang asawa ko, Miss. Ano ang rason at baket sumunod ka pa rito. Magsalita ka kung gusto mong umalis sa bahay namin na intact ang ulo mo sa iyong katawan!" Aray! Pupugutan ng ulo! Then, nahagip ng kaniyang mata ang habol-habol ang hininga habang papalapit. "Ano'ng ibig sabihin nito, brother? Sinugod ka niya, pinagsalitaan ng hindi maganda. Ngunit nagawa mo pa siyang isama rito? Baka naman kung mapaano tayo nang dahil sa kaniya." Bumaling si Pierce Matteo sa ka

