"CONGRATULATIONS, Madam. You are carrying a child. Iyan po ang dahilan kung bakit hindi maganda kamo ang iyong pakiramdam. Mood swing naman po sa pabago-bago mong emosyon." Masayang pahayag ng doktorang umeksamin sa kaniya. Kaya naman ay lumawak ang ngiting bumalatay sa kaniyang mukha. Triplets ang una niyang isinilang subalit hindi niya naramdaman paglilihi. Bagkus ay naging matakaw lamang siya sa tulog. "Thank you, Doctor." Ganoon pa man ay naging tipid ang sagot niya. Dahil muli niyang naalala ang asawang nasa ibang panig ng mundo. Sa ikalawang pagkakataon ay buntis siya ngunit wala ito. Kahit pa sabihing nasa trabaho ito as public servant. "No problem, Madam. Heto na ang reseta ng vitamins mo. Aware ka naman siguro na hindi ka basta-bastang nakakainom ng gamot dahil second time mo

