"NGAYON ay magsalita ka kung ayaw mong tuluyan kita, Isabella! Ano ang ginawa mo sa iyong ina at dinala sa hospital?!" Malakas na tanong ni Marcus Lopez sa anak. Ang walang-hiya niyang anak na naglaho ng walong taon ay biglang nagpakita. Bilang ama ay walang problema. Ngunit kumukulo ang dugo niya dahil sa impact ng pagkawala nito. "Ako nga sana ang magtatanong, Daddy. Dahil healthy na healthy po si Mommy noong umalis ako---" "Huwag mo akong matawag-tawag na Daddy kung wala ka ring respeto! Nang dahil sa iyo ay nagkaganyan ang iyong ina!" Pamumutol niya sa pananalita nito. Hindi lang iyon, pinadapo pa nga niya ang palad sa mukha nito. SAMANTALANG napakislot si Isabella dahil sa tinuran ng ama. Hindi na bago sa kaniya ang matinis nitong boses. Dahil wala itong ipinagbago simula pa no

