"TAKE THIS!" Mabilis na abot ni Samuel sa tuwalyang dala. Napatingin pa si Sundee sa kaniya. "Take it!" Giit niya kaya agad naman nitong kinuha at binalot sa katawan. "Sam," malambing na tawag ni Gretel na kakaahon lang di sa tubig. Bakat sa katawan nito ang suot na two piece swimsuit. Tila ba nang-aakit dahil lapat na lapat iyon. "Don't you like joining me?" Tanong nito saka siya hinawakan sa braso at hinila. Naiinis naman si Sundee at halos dukutin na ang mata ni Samuel na nakatingin sa katawan ni Gretel. 'Sarap batukan!' Gigil na saad ng isipan lalo pa ng humawak ang babae sa braso nito at hinila. Wala siyang nagawa kundi ang sundan na lamang ang mga ito ng tingin. Nakatingin lamang siya sa mga ito habang kipkip ang sarili kahit nakatapis na siya ng tuwalya. "Aheeemmmmm.." tikhim bu

