"Ang aga-aga tulala ka," puna ni Sarina kay Bryle. Nakita kasi nito ang lalaking bisita na nasa labas ng bahay at halatang ang lalim ng iniisip. Tarantang napalingon si Bryle sa dalaga. "Gusto mo ng kape? Sorry, pinakialaman ko na ang kusina mo." Ngumiti ng matamis si Sarina "Sus, walang anuman. Buti may kape kang nakita?” “Meron. Iyong instant coffee. Mag-isa na nga lang pero ibibili kita kung gusto mong magkape.” “No thanks. Hindi naman ako nagkakape. Natira lang siguro iyan ng kuya ko noong dumalaw siya rito. Anyway, ano’ng gusto mong almusal?" "Naku, huwag na. Okay na ako rito sa kape." "Nahiya ka pa? Halika doon tayo sa kusina. Gawan na lang kita ng sandwich." Napakamot-ulo na lang si Bryle sa kabutihang ipinapakita sa kaniya ng dalaga. Buti na lang at nakilala niya ito dahil k