"Hayup ka! Ano’ng ginawa mo kay Bryle?! Ano’ng ginawa mo sa kaniya?! Ano ang ginawa mo sa pamilya namin?! Ano ang kasalanan namin sa ‘yo at ginulo mo kami ng ganito?! Ano?!" Nagwala na ng tuluyan si Leia. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Binayo-bayo niya ang dibdib ni Kenneth. Nauunawaan na niya ang lahat. Malinaw na malinaw na talaga sa kaniya na niloko lamang siya ng binata, na pinaniwala lang siya nitong iniwan sila ni Bryle pero ang totoo ay hindi. Ang totoo ay ginamit ni Kenneth ang sitwasyon nila, ang kawalan nila ng pera na mag-asawa. Sinenyasan ni Kenneth ang isang tauhan nito. Agad iyong sumunod. Lumapit ito kay Aling Linda. “Ano’ng gagawin mo?!” sindak ang ginang. "Mama!" hiyaw ng batang si Lacey. Walang anu-anong kinuha kasi ito ng lalaki mula kay Aling Linda. "Bita