“Papa, tulong!” Napabalikwas ang naalimpungatang si Bryle. Malim ang bawat paghinga niya at buhol-buhol ang kaniyang mga pawis sa noo. Ang sama, sobrang sama ng panaginip niya tungkol sa kaniyang anak. Duguan daw si Lacey habang humihingi ng tulong sa kaniya. Subalit kahit anong pilit niyang abutin daw ang kaniyang anak ay hindi raw niya mahawak-hawakan. Humihingal niyang pinakaisipang maigi ang kaniyang panaginip. Kung ano ang ibig sabihin. “Hindi kaya nanganganib ang buhay ng mag-ina ko?” napagtanto niya sa kaniyang isip-isip pagkaraan. Sari-saring kaisipan pa ang pumasok sa kaniya na lalong gumulo sa kaniyang isipan. Ilang saglit pa ay nahimasmasan na siya. Nagmamadali siyang lumabas sa inuukupang kuwarto. Hinanap si Sarina. Kailangan niyang makausap si Sarina. Kailangang malam