Pupungas-pungas si Bryle na nagising dahil sa tunog ng cellphone na nasa drawer lagi ng bedside table ng kamang tinutulugan, sa kuwarto na ipinaukupa sa kaniya ni Sarina. Matapos ang pagtatalo nila sa sementeryo kahapon, naroon pa rin siya sa bahay ni Sarina. Hindi niya naituloy ang pagsugod sa mga Fontallan upang bawiin sina Leia at Lacey dahil natauhan din siya bandang huli. Salamat sa magkapatid na Alab at Sarina. Hindi siya pinayagan na makaalis kahit pa muntik na siyang sumpungin ulit ng sakit niya. Imbes na matakot mas isiniksik talaga ng dalawa sa isip niya na hindi dapat siya magpadalus-dalos. “Hindi maaari na papalpak ako ngayon dahil buhay ng mag-ina ko ulit ang nakataya. Ito na ang huling pagkakataon ko upang mabuo ulit ang pamilya ko. Hindi ko dapat sayangin,” sabi niya s