Lakad-takbo si Bryle. Hindi niya sinayang ang sandali na mapuntahan ang asawa at anak niya. Hindi niya iniinda ang kaniyang mga sugat at pasa. Kahit paano ay nakapagpahinga na siya at may lakas na kaya buo na ang kaniyang loob na babawiin na niya ang mag-ina niya. At naroon na siya malapit sa bahay ng g*gong Kenneth! Ang kaso ay biglang may nakita siyang naka-motor na pulis kaya naman nagtago muna siya. Wala siyang kaalam-alam na nakita siya ng anak niyang si Lacey. At dahil nagtago siya, nang tingnan siya ni Leia ay hindi siya nakita nito. Lumabas lang si Bryle sa pinagtaguan nang makalayo ang pulis at hindi na niya matanawan. Takbo ulit siya sa bahay nina Kenneth at kinatok iyon. "Sino ‘yan?" boses ng babae mula sa loob ng bahay. Kinatok niya ulit at hinintay na pagbuksan siya. "A