CHAPTER FIFTEEN - KISS AND MISS

1763 Words
KYLIE POV Pekeng akong natawa. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sakin? He wants me back? Ang kapal lang ng mukha. Kung kailan onti onti na akong nakakamove on tyaka siya babalik sa buhay ko? Hindi, hindi ako papayag. "HA-HA biro ba 'yan? Kasi nakakatawa eh" Puno ng sarkastimong sabi ko sa kanya. "No! Kylie i'm serious I want you back!" Seryosong sabi ni Red. "Red, Pag katapos ng lahat. Gusto mong bumalik ako sayo? Hindi pa ba sapat na ginawa mo akong tanga? Hindi pa ba sapat na nasaktan mo ako? Hindi ako naghabol sayo kahit mahal kita. kung ayaw mo sakin hindi ko ipagpipilitan sarili ko. Ang akin lang tantanan mo ako dahil simula ng lokohin mo ako. inalis na kita sa buhay ko. Kung kailan masaya na ako na wala ka. sasabihin mo sakin na gusto mo akong bumalik sayo? Nagpapatawa ka ata eh" mahabang sabi ko. Lumapit sakin si Red at akmang hahawakan niya ang kamay ko ng lumayo ako sa kaniya. "Please kylie makinig ka. Alam kong naguguluhan ka. Ako din naman pero sigurado ako sa nararamdaman ko. Kylie mahal na kita at lahat gagawin ko para sayo. Hindi ko hahayaan na mapunta ka kay Carlo dahil akin ka!" Nasampal ko siya. Nanlilisik ang matang tinapunan ko si Red ng tingin. "Hindi mo na ako maloloko pa Red. Tama na." Sabay kaming napatingin sa pinto ng library ng biglang pumasok mula roon si Carlo. Cool s'yang naglakad sa amin at agad akong hinalikan sa labi na s'yang kinagulat ko. "Let's go, Nandyan na si Sir cabrera. Pag nahuli niya tayo rito baka mapakarera tayo ng wala sa oras" sabay halakhak niya. Natawa naman ako. Walang oras na hindi niya ako napapatawa. "Oh, nandyan ka pala Red." Nakita kong ngumisi si Carlo na s'yang kinainis ni Red "Sige bro una na kami" Umalis na kami sa library. Pumunta ako kay jestine. Nagtatanong na tingin ang ibinigay niya sakin pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. Napabuntong hininga ako. Problema na naman to pag nagkataon. "Ang tahimik mo ata may problema ba?" Tanong ni jestine. Napalingon ako sa kanya. "Wala to, wag mong intindihin." sagot ko. "Hinahanap ka namin kanina kaso hindi ka namin mahanap. Saan ka ba nagpunta?" Tanong niya. "Panong hindi aalis si kylie. Ang ingay ingay ng katabi niya kanina kaya sa sobrang nakakarindi ang boses kaya umalis" sabat naman ni Paul. Nagsisimula na naman silang mag-away. Napaisip ako tungkol sa nangyare kanina. Sana hindi narinig ni Carlo ang pag-uusap namin ni Red. Baka mag-away sila ng dahil sakin. Ayokong mag-away ang dalawang 'yun. Ano kaya ang dahilan kung bakit biglang nagbago si Red sakin? dahil ba napagtanto n'yang mahal na niya ako? O baka isa na naman 'yun sa palabas niya. Ayoko ng masaktan pa ng dahil sa kanya. Kung hihingi siya ng chance hindi ako papayag. Mag-isa akong naglalakad sa hall way ng bigla akong harangan ni kevin. God not today please. Nag-angat ako ng tingin para tignan siya ng mabuti. Ngumisi na s'yang kinainis ko. "Ano na naman ba kevin?" Bored na sabi ko. "Wala lang" hindi pa rin siya umaalis sa daraanan ko. "Pwede ba kevin. wala akong oras makipag laro sayo kaya kung pwede paraanin mo ako dahil gutom na gutom na ako" walang gana kong sabi. Humakbang siya palapit sakin pero nakaharang pa rin siya sa daanan. Lumiko ako pero hinarangan niya pa rin ako. Inis na inapakan ko ang sapatos niya. Parang wala lang sa kanya ginantihan niya ako. Inapakan din niya ang sapatos ko. Hawak hawak ko ang paa ko na inapakan niya. Nanlilisik ang matang binalingan ko siya ng tingin. Ngumiti si Kevin na parang walang ginawa sakin. "Pwede ba kevin. Umalis ka sa harapan ko at baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo" Banta ko pero hindi niya ako sinunod kaya tinuhog ko siya. Natatawang pinapanood ko ang pagsapo niya sa buddy niya hahaha. "You!" Hirap na sabi ni kevin. Natatawang nilagpasan ko lang siya at agad na nagpunta sa cafeteria. Hindi na bago sakin na lagi akong inaasar ng mga kaklase ko sa St. Peter. Naging kaclose ko din sila ng lumipat ako. Ramdam ko na ayaw sakin ng ibang mga kaklase ko lalo na ang mga girls pero hindi ko na lang pinansin pa. Mag-isa akong nakain ng biglang umupo sa bakanteng upuan si carlo na paharap sa akin. Ngumiti siya sakin. binigyan nuya ako ng cheese ham roll na s'yang kinatuwa ko. "Salamat." Nakangiting pasasalamat ko sa kanya. "Wala ng libre sa panahong ito" saad niya. Inirapan ko lang. "Magkano 'yan at babayaran ko" Nakangiting lumapit sakin si Red at siniil ako ng halik. Gulat na inilayo ko ang labi ko sa kanya. Ngiting- ngiti s'yang bumaling sakin. "Yan ang gusto kong ibayad mo sakin" aniya habang nakangiti. "Namumuro ka ng kakahalik sakin ni hindi nga kita boyfriend para halikan mo." Inis na sabi ko. Yumuko ako para itago ang pagkahiya. "Darating din tayo d'yan baby pero isa pa ulit kiss marami 'yan eh." Turo niya sa cheese ham roll na binigay niya sakin. Tinutok ko sa kanya ang hawak kong tinidor. "Sige ilapit mo yang mukha mo para halikan ako uli ito ang mauunang hahalik sayo" natatawang naiiling si Carlo. "Dre!.." nanatili akong nakaharap sa sliding window ng St.simon at hindi pinansin ang nagsabi ng dre. Baka hindi ako 'yun.. kung tinatawag man ako ng mga kaklase ko ang pangalan ko ang gamit nila. Naiinip na ako kakahintay kay floyd dahil hindi pa sila nagb-break time. Ang sabi niya kasi bago kami pumila sa kanya-kanya naming klase na sabay kaming kakain sa cafeteria. Pumayag ako kaya ng matapos ang second sub namin dito ako pumunta. Nakaharang ang kurtina sa sliding window kaya hindi niya ako makita. "Dre!.." napabuntong hininga ako.. naramdaman ko ang pagkalabit ng daliri sa likuran ko. Nabungaran ko si ashley na malawak ang pagkakangiti sakin. Tinuro ko ang sarili ko at nagpalinga-linga sa likuran ko.. Napatawa naman siya dahil sa ginawa ko. Marahan s'yang tumango "Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo man lang ako sulyapan." "Ako ba yun? Sorry dre kasi ang sabi mo at hindi kylie" sarkastikong sabi ko. "HA HA ikaw naman sorry din at naguluhan ka.. dre kasi ang tawagan namin nila zeith at joel basta malalapit samin dre ang tawag namin" sagot niya. "Ah.. teka bakit dre? .. Anong kailangan mo?" "Dre means kumaDRE or KumpaDRE pinaikli lang namin kaya Dre ... May extra ka bang ano d'yan alam mo na may monthly period" Nahihiyang aniya. "Uhmm yes" Sagot ko. "Pwede bang hiramin ko muna? Ayoko kasing manghiram kila sister natatanggal kasi 'yun tyaka malaki" Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Sige, samahan na kita sa Comfort Room." Tumango si Ash at hinawakan ang kamay ko. "Salamat kylie" Ngumiti ako sa kanya. "Wala 'yun ano ka ba" Nagsimula na kaming maglakad. Isa si ashley sa mga kaclose ko sa St. Peter. Si Ash rin ang unang nagwelcome sakin ng matapos ang second sub namin noon ng bagong lipat ako. Masaya ako dahil madali ko s'yang nakagaanan ng loob. Maria Ashley Vallejo pinsang buo ni Ralph. Matangkad,maputi,matalino at mabait sa kanyang mga kaklase si ashley. Kaya karamihan sa mga kaklse namin sa St. Peter ay may gusto sa kanya. Nang marating namin ang CR sa katabi ng AVR room. ibinigay ko na sa kanya ang napkin at hinintay siya sa labas habang nasa loob siya ng cr. Nag-angat ako ng tingin ng biglang may tumikhim sa 'di kalayuan sakin. "Kanina pa kita hinihintay ang sabi sakin ni joel kasama mo raw si ashley at nagpunta raw kayo dito kaya sinundan kita" Nababakasan ng inis na pagkakasabi niya. "Sorry ang tagal kasi ng klase niyo kaya ng lumapit sakin si ashley kaya sinamahan ko" Paliwanag ko. "Ahyst okay na ba? Tara na gutom na ako" Saktong pagkasabi ni Floyd ng lumabas si ashley sa cr at nagtataka ang tingin na pinukol niya samin ni floyd. "May problema?" Tanong ni ashley.. Umiling si floyd at hinarap siya "Tapos ka na? Pwedeng isama ko na tong si kylie? Gutom na kasi ako eh." Natawa si ashley at marahang tumango. "Bff goals talaga kayo eh noh" Aniya. Nagpaalam na kami sa kanya at habang siya naman ay pupuntahan si kaiza na bestfriend niya para sabay ring kumain. "You know what Jestine Since the day I transfer here in this University. I'm really happy that I met you and Floyd and have a supportive and loving friends." I said while smilling. Jestine nodded. "Me too Kylie." Aniya. Nakaupo kami ni jestine sa mga nakahilerang upuan nasa labas lang ng cafeteria. Nakaharap kami sa dalawa Pang classrooms. Nag-uusap usap na lang kami ng kung ano-ano habang hindi pa tapos ang break time. Tapos na kaming kumain habang ang kasama ko namang si floyd kanina ay umalis na para puntahan ang lola n'yang nagdala ng baon niya para sa lunch. "Wews, muntikan na yun ha! Ghad ayokong mapunta sa office ni Sir" Nakapout na sabi ni jestine. Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Sinabi mo pa" tanging nasabi ko na lang. Muntik na kaming mahuli ni Sir Cabrera. Nagmamadali kasi si Jestine kanina at muntik na silang magkasalubong ni Sir Cabrera. Ang ayaw kasi ni Sir ang makakita ng Student na tumatakbo. Hindi ko pa nakikita si carlo magmula ng pumasok ako ni anino niya wala.. Absent kaya siya? Hindi ko namang magawang magpunta sa classrooms nila para icheck kung pumasok siya. "Uy, ang lalim ng iniisip natin ah sino ba 'yan? Si carlo ba?" Umiling ako. "Hindi ah" Ngumisi si jestine habang nakatanaw ako sa malayo. "Nagtutunog defensive ka best haha" Napalabi ako. wala akong kawala. "Nakita mo ba siya?" Tanong ko. "Si Carlo? Hindi ba nagpapakita sayo? Di ba kada papasok ka nandyan na siya sa gate inaabangan ka?" Takang tanong ni Jes. "Wala siya ng pumasok ako sa gate kanina.. Hindi ko alam kung nasaan siya dahil walang nabanggit sakin si floyd" Nakakalungkot lang na hindi ko man lang makita si carlo sa araw na to.. I admit na nasanay akong kasama siya habang hindi pa kami pumapasok sa kanya-kanya naming klase. "Wag kang mag-alala kylie magpaparamdam din sayo 'yun. Alam mo na ayaw ka n'yang hindi nakikita bago matapos ang araw" Aniya. "Namimiss mo na ba siya?" May panunuksong tingin ang pinukol niya sa akin. I nod and smile at her. "Really? Namiss mo ko? Naks naman kaya ayaw na kitang ibigay sa iba eh dahil akin ka na" Napanganga ako at marahang lumingon sa boses na nasa likuran ko. "Ca-carlo.." kanda utal-utal kong banggit sa pangalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD