KYLIE POV I look at him in the eyes. I tried to open the door. Nadismaya ako ng hindi ko mabuksan. Nakalock ang pinto mula sa labas. Inis na hinarap ko si Carlo. “Open the door.” Hindi niya ako pinansin sa halip ay naupo sa couch. Lumapit ako sa kaniya. “Bingi ka ba. Aalis na ako.” sabi ko. Naglagay siya ng wine sa baso at ibinigay sa akin. Agad ko itong kinuha at inilapag sa glass table. “Hinahanap na ako ni Mami Nancy. Ano ba Carlo!” Tinignan niya ako. Ngumiti siya. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. “I miss how you call my name.” he said. Natahimik ako. “Hindi ako natutuwa. Pwede ba buksan mo na yung pinto.” Tumayo si Carlo. Umatras ako hanggang sa macorner niya ako. Inilagay niya ang magkabilang kamay sa gilid ko. Talagang wala na ako kawala sa kaniya. “Ano ba g