CHAPTER SEVENTEEN - I LOVE YOU'S

1321 Words
KYLIE POV "Sir may meeting daw kayong mga teacher's" saad ng estudyanteng pumunta sa AVR. Umalis na ang lalaki at inaayos naman ni sir mga gamit niya. Mabuti na lang at natapos na ang lahat sa pagkanta. "Gian, ilista mo lahat ng pasaway maliwanag?" Tumango si gian at nilabas naman nito ang notebook. Lumabas na si Sir sa room. Natahimik naman ang buong klase. "What now? Ang boring naman." Ani ni Raven. "Kumanta na lang kayo ulit para hindi boring" suhestiyon ni Gian. "Sino naman ang kakanta?" Tanong ni daryl. Nilibot ng tingin ni Gian ang buong klase. Napako ang tingin niya sa akin at sa likuran ko. Napangisi siya at ibinalik din ang tingin sa harap. "Si kylie at carlo ang kakanta." Lahat kami napanganga at napasinghap. No way. "Ba-bakit ako?" Kinakabahang tanong ko. Nagkibit balikat siya at napalumbaba. "Dahil magaling ka kumanta tyaka ganun din si Carlo. So pumunta na kayo sa harap kundi ililista ko kayong dalawa bilang maiingay dito." Napalabi ako at tumayo na. Kilala ko si gian kapag sinabi niya gagawin niya talaga. Naramdaman ko rin ang prisensya ni carlo sa likuran ko. Nang makarating kami sa harap ay nagkatinginan kami. "Ano bang kakantahin natin?" Tanong ko sa kanya. Napatingala siya at waring nag-iisip. Napangiti si Carlo at lumapit sa akin para bumulong. Tumango ako at ngumiti sa kanya ng sabihin niya sa akin kung ano ang kakantahin namin. Pag kapiling ka Ang nadarama Ay walang hanggan Na ligaya Sa mga mata Ay makikitab Na may Bukas pa at pag asa Pag hawak mo na Ang aking kamay Ang paligid ko Ay tunay na makulay [Chorus:] Binuhay mo ang Nabigo kong puso Sa mga pangako Agad naniwala Sa mga titig mo Ay nakita ko Pag-asa na may darating Na isang katulad mo. Na wagas at tapat Kailanman di na magbabago  Naghiyawan ang lahat pagkatapos naming kumanta ni Carlo. Ang iba ay nagpalakpakan. Yung mga boys kinalampag ang mga desk nila. Aalis na sana ako sa harap at bumalik na sa upuan ko ng hawakan ni Carlo ang isang kamay ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Hinila niya ako at idiniin sa white board. Napasinghap ako at hindi alam ang sasabihin. Idinikit ni Carlo ang sarili sakin habang hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at iniangat hanggang sa magpantay sa ulo ko. "Ca-carlo what are you doing?" I ask. Kinakabahan man ay nakuha ko pang titigan siya sa mata. Ngumiti siya dahilan para magliparan ang mga paruparo sa tiyan ko. Napakabilis ng t***k ng puso ko. What to do? "Just look me in my eyes and tell me that you love me at hahayaan kitang maging IYO AKO." Napabuka ang bibig ko ng dahil sa sinabi niya. He show his boyish smile and give me a light kiss. Hindi ko magawang itulak siya palayo at putulin ang halik. Sabay kaming napatingin sa pinto ng ibalibagin iyon ni Red. Na namumula ang buong mukha ng makita ko siya sa labas ng AVR room. "Don't mind him." Napalingon ako kay Carlo na seryosong nakatingin sa pintong nilabasan ni Red. Mukhang malaking gulo to. Naitulak ko palayo si Carlo ng marealize kong nakadikit pa rin siya sa akin. Inayos ko ang buhok na nagulo at umaktong parang walang nangyare. Mahinang natawa si Carlo. Nang tumingin ako sa kanya ay ngumisi ito sakin. Agad akong nag-iwas ng tingin. "Nasaan na nga ba tayo oh sa kiss nga pala." Lalapit na sana siya sa akin ng itinakip ko sa bibig niya ang isang kamay ko. "Magtigil ka nga Carlo mahiya ka nasa harapan tayo ng mga kaklase natin." Mahina pero may diing ani ko. Pilit n'yang tinatanggal ang kamay ko. Nagawa n'yang tanggalin ang isang kamay ko at muli ay siniil ako ng halik. Nanlalaki ang mata. Narinig ko ang hiyawan muli ng mga kaklase namin. "s**t bro wag dito. Get a room ayaw naming manood ng live porn." Narinig kong sabi ni Daniel. Napa'aray' si Daniel. Pagkatapos nun siguro may ginawa sa kanya mga kaibigan niya. Muli ay pinilit kong itulak palayo si Carlo sakin. Nang magtagumpay ako ay tinakpan ko ng magkabilang kamay ang Bibig ko. Natatawang napahawak si Carlo sa tyan niya habang nakatingin sakin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Walang nakakatawa." Sabi ko. Napapailing na humakbang siya palapit sakin. "Wag kang lalapit." Banta ko sa kanya. Hindi siya nagpatinag at naglakad palapit sakin. Hinawakan ni Carlo ang magkabilang kamay ko. Habang ang right hand ko ay dinala niya sa kanyang bibig at hinalikan ang likod niyon. "I love you Kylie.." parang nakikipagkarera sa bilis ang puso ko dahil sa salitang lumabas mula kay Carlo. Hindi ko alam ang sasabihin. Nagkakagulo na ang buong klase. Ano ba ang dapat kong sabihin? Dapat ko na rin bang sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko? Pano kung saktan din niya ako katulad ng ginawa sakin ng kaibigan niya? Naguguluhan man ay bigla na lang bumuka ang labi ko at lumabas ang salitang hinihintay ni Carlo. " I love you too Carlo." Napasinghap ako ng maramdaman ang init ng buong katawan ni Carlo sakin. He hug me tight. Paulit-ulit n'yan binibigkas ang tatlong salita na s'yang lalong nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Napapikit ako at dinama ang init ng yakap niya na puno ng pagmamahal. Parang guminhawa ang pakiramdam ko pagkatapos kong sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Tinapos na niya ang yakap at pinagdikit ang mga noo namin. "Masaya ako dahil parehas tayo ng nararamdaman para sa isa't-isa. Thank you, thank you Kylie. Promise ko sayo na gagawin ko ang lahat para maging masaya ka at mamahalin kita kahit ano pa ang mangyare." Hinalikan ni Carlo ako sa noo. Magkahawak ang kamay na hinarap namin ang mga kaklase naming may ngiti sa mga labi. Hindi ko alam pero feeling ko may nakatingin sa akin at tama ang hinala ko ng makita sa labas ng room si Red. Masamang nakatingin sa amin ni Carlo. Umalis na siya sa kinatatayuan at hindi ko na nakita pa. Isinambahala ko lang ang nakitang sakit at galit na nakita ko sa mata ni Red. "Hey are you okay?" Nabaling ang atensyon ko kay Carlo. "Yeah I'm okay don't worry." He smile. Mahigpit n'yang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming naglakad pabalik sa upuan namin. Kinausap siya agad ng mga kaibigan niya habang hindi makapaniwalang nakatingin lang sakin si Jestine. Umarko pataas ang isang kilay ko para namang natauhan si Jestine at inulan ako ng maraming tanong. Hindi mawala sa isip ko ang itsura ni Red. Ang daming kong tanong pero hindi ko naman alam ang sagot sa mga tanong ko. Kinausap ko na lang si jestine para malihis sa isip ko si Red. Nang matapos ang oras sa sub namin ay bumalik na kami sa mga clasrooms namin. Syempre hindi mawawala ang mga chismosang mga kaklse naming mga babae na pinag-uusapan kami. Walang imik naman sa tabi nila si Ayessa parang ang lalim ng iniisip niya at hindi nakikisalamuha sa kanya. Hindi ko na lang siya pinansin pa at dumiretso na ako sa classroom namin. Napahinto ako sa pagpasok ng tumakbo palapit sakin si Carlo. Niyakap niya ako at binigyan ng halik sa pisngi. Nag-init ang pisngi ko dahil iilan sa mga kaklse naming nasa labas pa ay nakita ang ginawa ni Carlo. "Wag kang mahiya dapat simula ngayun masanay ka na." Kinindatan niya ako at tumakbo na papasok sa classroom nila. Hindi ko na nagawang sermunan siya dahil nakatakbo na ito palayo sakin. Napapailing na pumasok na ako sa classroom. Ang daming nangyare sa araw nato. Sana lang tama ang naging disisyon kong ipahayag kay Carlo ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Hiling ko lang na walang manggulo sa amin. Umaasa akong totoo lahat ng sinabi at pangako sakin ni Carlo di ko alam ang susunod na gagawin kung pati si Carlo ay lokohin ako. Sana hindi niya gawin sakin ang ginawa ng kaibigan n'yang si Red.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD