KYLIE POV Nagpunta ako ng garden. Pagka tapos akong kausapin ni Red. Kinalma ko ang sarili. Mali siya ng iniisip tungkol sakin. Hindi ko kasalanan kung dikit ng dikit sakin ang kaibigan n'yang si Carlo para isipin n'yang gusto kong mapalapit sa kanya. Walang akong intensyon na siraan sila ni Ayessa. Tinanggap ko ang relasyon nila kahit nasasaktan ako. Hindi ako gumagawa ng paraan para bumalik siya sakin. Hindi ako ganun, kanina pa tumutulo ang masaganang luha sa mga mata ko. Ang sakit na mapagbintangan kahit wala ka namang ginagawang masama. "Nandito ka lang pala" Naupo sa tabi ko si Carlo. hindi ko napansin na nandito siya sa harap ko. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at pasimpleng pinunasan ang luha ko. Hinawakan ni Carlo ang magkabilang pisngi ko at pinaharap sa kanya. Naka kunot

