HINDI mawala- wala sa isipan ni Vladimmir si Akhee. May konting weird lang sa ikinikilos nito na para bang binalewala na ang nangyari noong isang gabi. Subalit may kaakibat na parusa sa bawat kilos nitong ipinapakita sa kanya. Na hindi niya alam kung paano niya babalewalain sapagkat nakadarama siya ng sakit. Sakit na siyang sumisira sa buo niyang sistema at pagkatao. Napabuntonghininga si Vladimmir saka may inilabas mula sa loob ng attache case nito. Pinatawag niya ang kanyang sekretarya at may tatanungin siya upang ma- confirm niya ang nasa kanyang isipan. "Sir, ipinapatawag niyo raw ako?" tanong ng kanyang sekretarya. "Maupo ka, Yen! May tatanungin lang ako sa'yo, gusto ko lang makasigurado. At hiling ko lang sana na sa ating dalawa na lang ito." Sagot ni Vladimmir. "Makakaasa po kayo