NAALIMPUNGATAN si Akhee dahil sa isang kamay na marahang humahaplos sa kanyang ulo. Pagod ang kanyang katawang lupa maghapon at idagdag pa ang kanyang paglilihi. Subalit hindi niya ininda iyon at mas pinagbuti pa nito ang pag- asikaso sa kanyang asawa. Ni hindi siya umalis sa tabi ni Vladimmir magmula noong naitakbo na ito sa hospital. Ayaw na niyang iwan pa ulit ang kanyang asawa at lalong hindi siya mapapakali kapag hindi niya ito nakikita kahit isang segundo lang. Natatakot siyang baka bigla na naman itong mawal sa kanya at baka kung mapaano na naman ito. Marahang nag-angat ng mukha si Akhee kahit na papikit-pikit pa ang mga mata nito dahil sa antok. Kinusot niya ang kanyang mga mata at marahang iminulat iyon. "Dumating ka ba, Yen?" wika ni Akhee sa pag- aakalang ang bestfriend iyon n