KUNTENTO NA si Akhee sa biglaang pagbabago ng kanyang asawa. Habang si Vladimmir ay may agam- agam pang natitira sa dibdib nito ukol sa kina Hale at Akhee. Kapansin-pansin ni Vladimmir na kulang nga sa love experience ang kanyang asawa. Mahina itong makiramdam sa ikinikilos ng isang tao kumbaga napakamanhid nito. Subalit kahit papaano ay iwinaksi na lamang ni Vladimmir ang mga isiping iyon at ibinigay niya pa rin ang kanyang buong tiwala kay Akhee. "May bisita ka kanina pa nasa loob ng office mo!" pagbibigay alam ni Yen kay Vladimmir isang umaga. "Who?" nagtatakang tanong ni Vladimmir. Kakatapos lamang inihatid ni Vladimmir si Akhee sa kanilang bahay dahil nagpa-check up ito sa kanyang obgyne para ma- monitor ang pagbubuntis ng kanyang asawa. "Basta, puntahan mo na lang!" wika ni Yen.